Sa panahon ngayon ay madami ng mga ina o babaeng nalolosyang ng dahil sa asawa nila o kadalasan ay dahil sa problema na masyado nilang iniintindi. Hindi nila alam na ang lahat ng problema ay masusulusyunan. Gaya na lamang ng kaibigan ng aking ina. Noong wala pa siyang asawa at anak ay napaka ganda at kaakit akit ang kanyang muka, ngunit ngayon ay hindi mo na sya makikilala ng dahil siya’y losyang na isang araw ay akin siyang kinausap at tinanung kung bakit siya nagkaganun, ang sabi lang nya ay “sobrang dami ng problema anne, lalao pa ngayon ako na ang tumatayong ama at ina sa aking pitong (7) anak. Kaya ikaw kung ayaw mong pumangit at magaya sa aki, wag na wag kang magpapakatanga sa mga lalaki na akala mo mamahalin ka hanggang huli, eh hindi pala” un lang ang sinabi nya. O diba ! drama pa si tita ! hehe.. bongga !!
Iyon pala ang kadalasang dahilan kung bakit nalolosyang ang madaming babae ngayon, kaya pala may mga babae din ngayon na mas pinipili na lang ang maging single at manatiling walang asawa. Dahil takot din siguro sila na pumangit at malosyang gaya ng iba.
Ngayon ay dumako naman tayo sa mga ayaw malosyang. Dati akala ko ay babae lng ang ayaw malosyang, pati na rin pala lalaki ayaw na din pumangit. Simulan natin pag usapan ang mga lalaking ayaw malosyang. Kaya kumausap ako ng dalawang (2) lalaki, isa ay binata na gwapo at may Gf, at isang ama na may tatlong (3) anak at may asawa. At tinanong ko sila sa magkaparehong tanong. “mas gusto mo bang malosyang? Bakit ? at sa paanong paraan ? ang sagot ng binata ay “ayoko, dahil kung malosyang ako at papangit mahihirapan ako kumuha ng magandang trabaho para sa kinabukasan naming ng aking girl friend. “ wow ! apaka ganda ng adhikain ni kuya !! mas inalala niya ang magiging kinabukasan nila ng kailang girlfriend para hindi malosyang. Ngayon ay si daddy naman ang ating tanungin. Eto naman ang kanyang sagot, “bilang isang Marketting manager, dapat ay may pleasing appearance ako para hindi masira ang negosyo ko at para na din sa ikagaganda nito at sa ikaaayos nito”. Maganda din ang nais ni daddy pagdating sa sinasabi niyang pleasing appearance!!
Akala ko noon ay babae ang mga dahilan ng mga lalaki ngayon para mapanatili nilang maayos ang kanilang itsura, at hindi sila mag mukang haggard sa buhay. Maganda at mabuti ang kanilang mga dahilan sa buhay para hindi malosyang. Ngayon ay babae naman ay ating kausapin lingid sa paksang ito. Ano kaya ang kanilang mga dahilan kung bakit ayaw din nilang maranasan ang salitang “ malosyang”.
Kaya ako’y kumausap ng tatlong (3) babae. Bakit tatlo (3) ang aking kinausap ? para malaman natin ang totoong dahilan nila. Narito ang aking mga kinausap, isang dalaga na nag aaral isang ina ng nag iisa nitong anak na babae, at isang dalagang 40years old na at wala pa din asawa. Gaya ng aking ginawa sa dalawang (2) naunang lalaki, tinanong ko din sila sa parehong katanungan. “mas gusto mo bang malosyang? Bakit ? at sa paanong paraan ? Narito ang kanilang mga kasagutan ng tatlong (3) babae. Unahin natin ang dalaga, eto ang sagot niya, “bilang isang dalaga, ayoko malosyang agad at pumangit, kasi kung papangit ako mawawalan ako ng lakas ng loob na humarap sa madaming tao na nakapaligid sa akin. Dapat as time goes by dapat maintain ko o natin ang pagiging pleasing appearance, at pagiging maganda sa harap ng ating madlang pipol na alam naman nating lahat na sa panahon ngayon ay karamihan sa kanila ay masyadong mapang mata o mapang husga batay sa kanilang nkikita”. Hmm.. maganda din ang dahilan ni dalaga, sang-ayon ako sa kaniyang adhikain. Tama nga naman na ang ating mga kapwa estudyante ay masyado ng mapang husga. Sana’y mabawasan ang mga taong ganito sa kanilang kapwa. Ngayon ay alamin naman natin ang sagot ni mommy. Ano naman kaya ang kaniyang sagot sa pasa nating ito. Eto ang sagot niya, “ ako, ayoko malosyang at pumangit. At ang dahilan ko para ditto ay para sa aking mga anak at asawa. Dapat kong imaintain ang aking magandang itsura para mapanatili kong maayos ang takbo na aming buhay. Dapat din ako’y may pleasing appearance para na din may maayos akong ihaharap sa madaming tao, lalo na ngayon ay sa private nag aaral ang aking magandang anak. Kailangan kong makipag sabayan sa mga mommy ng classmate ng aking anak”. Wow naman ! si mommy pa begets ah ! gusto mukang dalaga din gaya ng kanyang anak. Ngunit hindi naman ako sang ayon sa kaniyang paniniwala batay sa ating paksa. Hindi naman dapat siya o tayo magkaroon ng pleasing ability para lamang ma-maintain ang magandang samahan nila ng kaniyang asawa at anak. Ayos na ang isang pag mamahal na walang kapantay para mapanatili ang sigla ng kanilang samahan. Ngayon ang ating nahuhuling kakausapin. Si tita na walang asawa o isang matandang asawa. Ano kaya ang kaniyang isasagot sa ating topic. Eto ang kaniyang sagot. “pinili kong maging dalaga na lang pang habang buhay dahil ayaw kong pumangit at malosyang gaya ng mga ina na nakikita ko ngayon na sobang pangit na. ayaw ko din magaya sa kanila kaya mas ginusto ko na din na ganito. Tsaka ayoko din maranasan ang lahat ng hirap na nararanasan ng mga ina ngayon sa hirap ng buhay ! atleast ngayon ay wala akong pinoproblemang asawa at anak, even boyfriend wala”. Ayon ang sagot niya, kaya nag tanong pa ulit ako ng isa. Eto ang tanong ko, “masaya po bang nag iisa?” at ang sagot lang niya ay, “minsan masaya minsan hindi,” at tinanong ko kung bakit ganun ang kanyang sinagot. Ang sinabi lang niya ay, “minsan kasi anne my oras na malungkot kasi wala kng asawa o boyfriend na nag aalaga at nag mamahal sayo, in short naiinggit ako sa mga babaeng masasaya habang kasama nila ang kani-kanilang asawa. Pero masaya din naman kahit papano, dahil gaya nga ng sinabi ko kanina ay wala akong pinoproblemang asawa at anak. Ang pinoproblema ko lang ay ang aking sariling pangangailangan”. Iyon lang ang kaniyang mga sinabi, kung ating titignan ang paniniwala niya eh talagang mas gugustuhin na din natin ang hindi na lang mag asawa at manatiling walang asawa, pero gaya nga ng kaniyang nasabi malungkot din daw at naiinggit siya, ibig sabihin mali din ang kaniyang paniniwala batay sa ating paksa, mas maganda at mas masaya ang magkaroon ng asawa at anak.
Ngayon ay tapos na ang lahat patungkol sa ating topic. Sadyang makabuluhan ang lahat ng aking ginawa na pag kakausap sa madaming tao patungkol sa ating paksa. At natuto din ako sa kanilang mga sinabi. Natuto ako ng madaming bagay, gaya na lamang ng sagot ni mommy na hindi lang dapat may pleasing ability ka para lang maging ayos ang takbo ng buhay nilang mag anak. At ni ate na dalaga na ang kaniyang dapat my pleasing ability tayo para may mukang maiharap tayo sa madaming tao. Salamat sa mga taong nakausap patungkol sa aking blog, sana ay mabasa ninyo ito upang makita ninyo ang aking ginawa na kayo ang bida. Salamat sa pag babasa !! nawa’y makapulot din kayo ng mga mgagandang aral tungkol sa aking ginawa !! Godbless !!
No comments:
Post a Comment